Full-scale investigation sa pagtakas ni dating Bamban, Mayor Alice Guo, agad na sisimulan – Malacanang

“Sa lalong madaling panahon.”

Ito ang tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin nang matanong kung kailan sisimulan ang ikakasang full-scale investigation sa paglabas ng bansa ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa kabila ng umiiral na look out bulletin.

Pero ayon kay Bersamin, walang itinakdang deadline at timeline ang pangulo hinggil sa kung gaano kabilis ang itatakbo ng pagsisiyasat.


Bukod dito, hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang kalihim tungkol sa isyu.

Matatandaang nagbabala si Pangulong Marcos na ilalantad ng pamahalaan at mahaharap sa pinakamataas na antas ng parusa sa batas ang mga nasa likod ng pagtakas ni Guo.

Facebook Comments