Posibleng ipatupad na sa susunod na school year ang full-scale na face-to-face classes sa mga paaralan.
Sinabi ito ni Education Undersecretary Nepomueceno Malaluan sa interview ng RMN Manila kung saan hindi malayo na ipatupad ito kung magpapatuloy ang pagbuti ng COVID-19 situation sa bansa.
Sa ngayon, pinag-uusapan pa rin nila ito kasama ang Department of Health (DOH) kung paano ang magiging setup nito lalo na at papunta na rin ang bansa sa tinatawag na new normal stage.
Sa ngayon, nasa 6,925 na paaralan sa bansa ang handa sa pagpapatupad ng progressive expansion phase ng face-to-face classes kung saan 6,122 dito ang nakapagsimula na.
Facebook Comments