FULL-SCALE WAR | NPA, makikipagtapatan sa gobyerno

Manila, Philippines – Tiniyak ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army sa Southern Mindanao na nakahanda silang harapin ang ikinakasang “full-scale war” ng Duterte administration sa susunod na taon.

Ayon kay ka Joaquin Jacinto, tagapagsalita ng National Democratic Front-Southern Mindanao, magpapatuloy ang NPA na labanan ang mga pang-aabuso ng gobyerno.

Aniya, dumami pa ang kanilang bilang sa kabila ng kaliwa’t-kanang airstrikes ng militar sa Mindanao.


Iginiit pa ni Jacinto, laging handa ang mga rebelde na isakripisyo ang kanilang buhay para sa rebolusyon at sa mga tao.

Facebook Comments