Full support ng pangulo sa mga plano ni Robredo laban sa illegal drugs, tiniyak ni Sen. Go

Manila, Philippines – Ginagarantiyahan ni Senator Christopher Bong Go na magiging buo ang suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga plano ni Vice President Leni Robredo para labanan ang ilegal na droga sa bansa.

Sa katunayan, ayon kay Go, ikinatuwa ng Pangulo ang pagtanggap ni VP Leni sa posisyon bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drug o ICAD.

Diin ni Go, nais ng Duterte administration na magtagumpay si VP Leni dahil ito ay para din sa kabutihan ng mamamayan.


Gayun paman, hindi naitago ni Go ang pag-aalala sa pahayag ni VP Robredo na magiging “zero killings” na ang war on drugs.

Nauna ng nagpaalala si Go na hindi dapat mabeybi ang mga drug lords dahil halang ang kaluluwa ng mga ito.

Binanggit din ni Go, na 82 percent ang satisfaction ratings ng publiko sa war on drugs na nangangahulugan na nasisiyahan ang mamamayan sa mga hakbang ng gobyerno para masugpo ang ilegal na droga.

Facebook Comments