FULL SUPPORT | Pamilya ni Rachel Peters, nasa Las Vegas na para sumuporta

Las Vegas – Nasa Las Vegas na ang pamilya ng pambato ng Pilipinas sa 2017 Miss Universe na si Rachel Peters.

Ito ay para personal na mag-cheer sa Fil-British beauty mula Camarines Sur.

Ayon mommy Annie – talagang “fighter” at may “winning mentality” ang kanyang anak kaya tiwala siyang maiuuwi ni Rachel ang pang-apat na Miss Universe crown sa Pilipinas.


Biyaheng Las Vegas na rin si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, na isa sa magiging hurado sa coronation night ng pageant kasama ang mentor niyang si Jonas Gaffud.

Samantala, nagpasya ang Miss Universe Organization na tanggalin sa kanilang website ang lahat ng bikini photos ng kandidata ng Iraq na si Sarah Idan.

Ito’y matapos na makatanggap ng death threats ang pamilya ni Sarah mula mismo sa kanilang mga kamag-anak dahil sa mga seksing larawan ng beauty queen.

Nabatid na galing sa middle Euphrates ang pamilya ni Sarah kung saan makikita ang pinakasagradong lungsod para sa mga Shiite Muslims.

Facebook Comments