Full suspension ng MRT-3 sa weekend, ‘di na itutuloy

Hindi na itutuloy ang scheduled full suspension ng operasyon ng Metro Rail Transit Line-3 (MRT-3) tuwing weekend.

Sa abiso ng MRT-3 management, magpapatupad na lang ng partial operation sa October 10 at 11.

Ibig sabihin, patuloy na magkakaroon ng biyahe ang mga tren mula North Avenue station hanggang Shaw Boulevard at vice versa.


Ito ay bahagi pa rin ng aktibidad sa pagsasaayos ng turnouts sa Taft Avenue station.

Ang mga turnout ay ginagamit upang makalipat ang isang tren mula sa isang track patungo sa ibang track.

Matapos maisaayos ang turnouts sa North Avenue station turnback, sisimulan namang ayusin ang turnouts sa Taft Avenue station.

Ang partial operation ay itinakda sa mga sumusunod na petsa:

October 10 – 11
October 31 – November 2
November 14 – 15

Noong October 1 ay iniakyat na ng MRT-3 ang train running speed nito sa 40kph mula sa dating 30kph.

Target na maiakyat pa ito sa 50kph sa Nobyembre at 60kph sa Disyembre sa sandalling maisaayos ang mga turnouts.

Facebook Comments