Pinatitiyak ni Senate President Juan Miguel Zubiri na mayroong ‘full transparency’ ang isinusulong ng Kamara na “Maharlika Investment Fund Bill”.
Giit ni Zubiri, obligasyon ng pamahalaan ito sa taumbayan dahil sakaling mapagtibay at maisabatas ay perang pinagpaguran ng publiko ang gagamitin ng gobyerno para sa pamumuhunan upang kumita.
Binigyang diin ng senate president na tiyakin na mayroong “full transparency” at wasto ang paggamit sa kikitain ng pamahalaan mula sa Maharlika Fund.
Bunsod nito ay inatasan ni Zubiri ang limang senador, na sina Senators Sonny Angara, Sherwin Gatchalian, Grace Poe, Mark Villar at Alan Peter Cayetano para pag-aralan at himayin ang naturang panukala.
Punto pa ni Zubiri, mahalagang mapatunayan na kailangang kailangan talaga ang sovereign wealth fund at kung kailangan man ay importanteng matiyak na ang pondo ay mapapangasiwaan ng maayos at mayroong mga ‘safeguards’ para hindi ito mauwi sa korapsyon.