Manila, Philippines – Sa darating na linggo ay magiging ‘fully operational’ na ang bagong storage facility ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Dahil dito, tiyak na maiingatan na ang mga droga at kontrabando na nakumpiska ng operating units ng iba’t ibang law enforcement agencies.
Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino, ilalagay ang pasilidad sa bagong tayo na tatlong palapag na gusali sa loob ng national headquarters ng ahensya sa Quezon City.
Gwardiyado ng maraming high definition CCTV system ang pasilidad upang masiguro ang kaligtasan ng mga ebidensiyang nai-turnover sa pangangalaga ng PDEA.
Paliwanag ni Aquino na mahalaga ang ginawang ‘upgrade’ sa kanilang laboratory service upang maging matibay at komprehensibo ang tinatawag na lab report na isinusumite sa court proceedings.