Fully vaccinated Filipinos, nasa 6.3 million na

Umabot na sa 6.3 million Filipinos ang nabakunahan laban sa COVID-19.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer at Testing Czar Vince Dizon, aabot na sa 17,515,376 individuals ang nakatanggap ng COVID-19 vaccines.

Mula sa nasabing bilang, nasa 6,311,060 ang nakakumpleto ng second dose.


“Napakalaking bagay po nito lalong-lalo na sa nakikita nating pangamba sa Delta variant, alam naman natin lahat ng eksperto sinasabi kung ikaw ay bakunado, mas maliit ang tsansang ikaw ay malubhang magkakasakit o maoospital dahil sa Delta variant,” ani Dizon.

Bukod dito sinabi rin ni Dizon na nakapagtala ang bansa ng mataas na daily vaccination rate na nasa 472,000 jabs, malapit nang maabot ang target na nasa 500,000.

Pagtitiyak ni Dizon na handa ang pamahalaan sa surge ng COVID-19 cases.

Facebook Comments