FULLY-VACCINATED INDIVIDUALS NA MULA SA ECQ AT MECQ KAILANGAN PA RING MAGPAKITA NG NEGATIBONG RT-PCR TEST RESULT SA LA UNION

Hindi pinahihintulutan na pumasok ang mga indibidwal na nagmumula sa Enhanced Community Quarantine at Modified Enhanced Community Quarantine nang walang negatibong RT-PCR test result kahit pa fully vaccinated na sa probinsya ng La Union.

Nakasaad sa Executive Order no. 28 s.2021, na inilabas ng lokal na pamahalaan layon nito na mapigilan ang pagpasok ng delta variant sa probinsiya sa pagpapatupad ng mahigpit na border control points.

Magagamit lamang umano ng isang indibidwal ang kaniyang vaccination card kung ito ay mula sa GCQ at MGCQ at hindi na kinakailangan ng negatibong resulta ng RT-PCR.


Para naman sa mga turistang papasok sa probinsiya kahit pa nabakunahan na kailangan pa ring ipresenta ang rt-pcr test result, 72 hours bago bago magpunta sa La Union.

Matatandaan na inanunsyo ng palasyo na ilang lugar sa bansa kabilang na ilang bayan at siyudad sa Ilocos region ang mas mahigpit na community quarantine status.

Facebook Comments