Pinapayagan na sa probinsiya ng La Union ang pangangaroling ngayong holiday season ngunit ito lamang ay limitado sa mga kabataang edad 12 pataas.
Ayon sa Executive Order No. 57 Series 2021, nakasaad dito na kailangang fully vaccinated ang mga mangangaroling upang mayroong proteksyon laban sa sakit.
Hanggang December 25, 2021 lang dapat mangaroling ang mga ito nang suot ang kanilang face mask at may pagsunod ss social distancing.
Samantala, hinihikayat naman ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na isagawa ang Christmas party sa pamamagitan ng virtual.
Kung magsasagawa man ng face-to-face celebrations dapat ay nasa 50% kapasidad lamang sa indoor venue at 70% para sa outdoor venue sa mga fully vaccinated individuals. | ifmnews
Facebook Comments