Fully vaccinated OFWs, papapasukin na sa Hong Kong

Kinumpirma ng Philippine Consulate sa Hong Kong na pina-plantsa na ng Hong Kong government ang pagpapapasok ng foreign domestic workers doon na fully vaccinated.

Kabilang na rito ang Filipino household service workers.

Sa harap ito ng kakulangan ng household service workers sa Hong Kong matapos na maipit sa kanilang pinatutupad na travel ban simula pa noong kalagitnaan ng Abril ng taong ito.


Sa ngayon, marami pang Pinoy workers na may hawak na working visa ang hindi makabalik sa Hong Kong dahil sa travel restrictions.

Bunga ng kakulangan at pagtaas ng demand ng domestic workers sa Hong Kong, tinaasan na ang sahod ng household service workers doon.

Facebook Comments