Tinitiyak ng Pamahalaang Lungsod ng San Fernando, La Union ang patuloy na paghubog ng kaalaman at kasanayan ng mga bata sa lahat ng day care centers sa lungsod, sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Summer Fun Learning Activities.
Layunin ng naturang programa na hindi lamang magbigay ng kaalaman sa mga bata kundi pati na rin ng kasiyahan, upang mas maengganyo silang makilahok sa mga aktibidad habang patuloy na nadaragdagan ang kanilang mga natutunan.
Ayon sa Department of Education (DepEd), mahalagang isulong ang maagang paghubog ng kakayahan at kasanayan ng mga bata sa pamamagitan ng daycare, preschool, at iba pang basic education programs.
Sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan at ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), magbubukas ang rehistrasyon ngayong araw, Abril 13, 2026 sa mga itinalagang Child Development Centers (CDC) sa bawat barangay. Tatagal ang programa ng tatlong linggo.
Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng inisyatibong ito na higit pang paunlarin ang kasanayan ng mga bata upang sila ay maging aktibo, masaya, at produktibo habang bata pa lamang. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










