Pagadian City, Zamboanga del Sur – Upang mapanatili ang magandang pangangatawan at maalis ang pagiging “Tabatsoy” ng mga kapulisan, magsasagawa ang Philippine National Police- Zamboanga del Sur ng pag-ehersisyo at Fun Run.
Ang physical fitness at sports program ng PNP sa lalawigan ay isasagaw ngayong Nobyembre 18 sa kasalukuyang taon na isasagawa sa Plaza Luz sa lungsod ng Pagadian.
Layunin ng aktibidad na ma-improve at mailagay sa ayos ang pangkalaha¬tang physical well being ng mga police personnel sa kabuuan at panatiliin ang disiplina para sa maayos na kalusugan.
Sinabi ni Major Usman Edding, sa Provincial Police Strategy Management Unit, kapag maganda ang kalusugan ay mapapanatili ang kapa¬yapaan at masisigurong ligtas ang publiko dahil palaging handa at akma sa paghabol sa mga kriminal at lumalabag sa batas.
Bukod pa rito, madidipensahan pa umano ng pulis ang kanilang sarili at pamilya sa anumang pa-nganib na maaring mangyari sa kanilang buhay.
Fun run para sa Tabatsoy na mga pulis, isasagawa
Facebook Comments