Functional collapsed ng mga ospital dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19, pinabulaanan ng NTF

Patuloy na lumalaban ang mga ospital sa bansa at hindi sumusuko ang ating mga medical health workers sa giyera kontra COVID-19.

Ito ang binigyang diin ni University of the Philippines (UP) and special adviser to National Task Force (NTF) Against COVID-19, Dr. Ted Herbosa kasunod nang pahayag ng Philippine Hospital Association na natalo na tayo ng COVID-19.

Ayon kay Dr. Herbosa maituturing na talo kapag nagsara nang lahat ang mga ospital at hinayaan na lamang na mamatay ang ating mga kababayan.


Bagama’t aminado si Dr. Herbosa na talagang mayroong surge ng kaso sa bansa at nasa critical level na ang health care utilization lalo na sa National Capital Region (NCR) Plus areas ay nagagawan pa naman ito ng paraan.

Ito ay sa pamamagitan aniya ng One Hospital Command Center kung saan inire-refer ang mga COVID-19 positive sa ibang mga ospital sa labas ng NCR Plus areas upang doon sila i-confine dahil sa punuan na halos lahat ng ospital dito sa Metro Manila.

Kasunod nito makakatulong aniya, ang 1 linggong ECQ sa NCR Plus areas upang mabawasan ang mabilis na hawaan at mapababa ang kaso ng COVID-19.

Facebook Comments