Maglulunsad ng fund program para sa antigen tests ang Office of the Vice President.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ni Robredo na layon ng “Swab Cab” project na palakasin ang testing capacity ng mga Local Government Unit (LGU).
Binigyaang-diin ni Robredo ang kahalagaan na ma-test ang mas malaking populasyon sa bansa lalo na’t karamihan sa mga nagpopositibo ay asymptomatic.
Samantala, para maiwasan ang false sense of security, ang mga magpopositibo sa antigen testing ay agad na i-a-isolate saka isasalang sa RT-PCR test.
Magiging pilot area ng proyekto ang Malabon City kung saan tutungo mismo sa mga matutukoy na hotspot areas sa lungsod ang mga mobile test center ng OVP.
“Hopefully, makapunta pa tayo sa ibang mga barangay after this kung merong makikipag-partner sa’tin na mga LGU o barangay. Hindi kasi namin kaya na sabay-sabay kasi kulang din yung aming resources, yung aming tao,” ani Robredo.
“Kung yung resulta nito maayos, sana gawin natin dun sa mga barangay o LGU na matindi talaga yung transmission.”
Aarangkada ang Swab Cab simula sa Martes, March 30 hanggang April 6.
Kahapon, una nang sinabi ng Malacañang na balak ng gobyernong gamitin ang antigen test sa mga house-to-house visitations ng mga medical frontliners upang mas mabilis matukoy ang mga may sintomas ng COVID-19.