Fundraising para sa COVID-19 vaccine, isinusulong sa Kamara

Hinihikayat ni Barangay Health Workers Partylist Rep. Natasha Co na magsagawa ng “fundraising” upang makalikom ng dagdag na pondo para sa COVID-19 vaccine.

Hindi aniya sapat ang pambansang pondo sa susunod na taon para mabakunahan ang maraming Pilipino sa bansa.

Itinutulak ng kongresista na magkaroon ng fundrasing para matiyak ang availability ng pondo upang makabili ang bansa ng kinakailangang bakuna laban sa virus infection.


Maaari aniyang kumuha ng dagdag na pondo mula sa Internal Revenue Allotment o IRA, Private Business Sector Counterpart Fund sa pangunguna ng mga business tycoon at top corporations sa bansa, Foreign Grants at Concessional Loans para sa COVID-19, at kontribusyon mula sa iba’t ibang simbahan at religious groups.

Naniniwala si Co na ito lamang din ang tanging paraan para mabakunahan ng libre ang bawat Pilipino.

Facebook Comments