FUR PARADE AT VETERINARY SERVICES, ISASAGAWA SA PANGASINAN

Isasagawa ang isang fur parade sa darating na April 6, 2025 at Animal Fair and Exhibit sa April 4 to 6 sa lalawigan ng Pangasinan.

Magkakaroon ng registration sa nasabing aktibidad, at bibida rin ang mga alagang hayop at pusa sa mga naghihintay na patimpalak para sa mga ito.

Ihahatid din ang iba’t-ibang veterinary services tulad ng Anti-Rabies Vaccination, Vitamin Supplementation, Deworming, Veterinary Consultations, Castrations at Spaying.

Iginiit ang ilang mga paalala para sa pet owners na tutungo at planong i-avail ang mga serbisyo.

Samantala, bahagi ang naturang aktibidad sa ika-445th Founding Anniversary ng Pangasinan at Pistay Dayat 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments