Furniture Shop, Tinupok ng Apoy

35

Cauayan City, Isabela- Isang furniture shop ang tinupok ng apoy matapos sumiklab ang sunog kagabi partikular sa barangay Zone 3, San Mariano, Isabela.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay FO1 Shereelyn Liwag, PIO at operation clerk ng BFP San Mariano, nakilala ang may-ari ng furniture shop na si Junato Bernardino, 60 taong gulang, negosyante at residente rin sa nabanggit na lugar.


Tinatayang aabot sa halagang mahigit kumulang Php300,000.00 ang pinsala ng sunog na umabot sa second alarm.

Batay sa ginawang pagsisiyasat ng mga imbestigador, nagsimula ang sunog dahil sa itinapong upos ng sigarilyo.

Wala namang naitalang nasaktan o casualty sa nangyaring sunog dahil agad din itong naapula ng mga rumespondeng bumbero.

Facebook Comments