FVR, makabubuting manahimik na lang – ayon kay Sen. Ejercito

255

Manila, Philippines – Para kay Senator JV Ejercito, makabubuting manahimik na lamang si dating pangulong Fidel V. Ramos at respetuhin ang mga desisyon at hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Giit pa ni Ejercito, hindi naman masyadong magaling ang track record ni FVR bilang pangulo ng bansa.


Puna ni Ejercito, sa ilalim ng termino ni Ramos lumakas ang Moro Islamic Liberation Front at Moro National Liberation Front.

At mayroon din aniyang ibang opisyal ng ramos administration katulad ng NIA head ang umanoy kasapi ng MILF kaya nagamit ng mga ito ang resources ng gobyerno noon.

Ayon kay Ejercito, taliwas ito sa nangyari sa panahon ng pamumuno ng kanyang ama na si dating pangulo at ngayon ay Manila Mayor Erap Estrada kung saan nakuha ng militar ang 30 kampo ng MILF kabilang ang Camp Abubakar.

Kaya naman giit ni Ejercito, hindi si Ramos ang tamang tao para magpayo kay Pangulong Duterte kaugnay sa gulo ngayon sa Mindanao.



DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments