Cauayan City, Tiwalang Maiuuwi ang Tagumpay ng CAVRAA 2018!

Tuguegarao City- Kumpiyansang maiuuwi ng mga delegado ng Cauayan City ang tagumpay ng CAVRAA 2018.

Ngayong sa unang araw ng CAVRAA, Pebrero 23, 2018 tinitiyak umano ng mga kalahok na hindi lang nagpapakitang gilas kundi babaunin pauwi ang korona ng tagumpay, yan ang ibinahaging impormasyon ni Education Program Specialist II Renato Tababa ng Schools Division of Cauayan City sa RMN Cauayan News Team.

Aniya, ang kabuuang bilang ng mga delegado ng Cauayan City ay 637 kasama ang mga coaches at delegation officials.


Kumpara sa nakaraang CAVRAA mas naging puspusan at malaki umano kaibahan sa ginawang paghahanda ng Cauayan Delegates ngayong taon.

Mas marami din ang sinalihang kompetisyon ng mga atleta ng Cauayan City.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga delegado sa alkalde ng Cauayan City dahil sa pagsuporta at pag bibigay ng sapat na pondo na ginugol sa paghahanda ng CAVRAA 2018.

Facebook Comments