Tuguegarao City- Masayang binuksan ng Cauayan City ang ipinagmamalaking K-12 village ngayong unang araw ng CAVRAA, Pebrero 23, 2018.
Ang K-12 village na may temang “The 21st Century Learners: Playing the Games and Growing with Life Skills and Talents ay ginawa upang ipakita ang galing ng iba’t-ibang mag-aaral sa high school na saklaw ng K-12 curriculum na nilahukan naman ng Cauayan City.
Sa naging panayam ng RMN Cauayan News Team kay Curriculum Implementation Division Chief Ruby Maur ng Cauayan City, ipinagmamalaki umano ng Cauayan K-12 Village booth ang mga kasanayan natutunan ng mga mag-aaral gaya ng massage therapy, cosmetology at product processing.
Aniya, masaya umano sila na tinatangkilik din ng mga bisita ang mga produktong nasa loob ng kanilang booth.
Dinadagsa naman ng ibang delegado ang libreng masahe sa kanilang K-12 Village.
Lubos ang pasasalamat ng mga delegado ng Cauayan City sa mga bumibisita sa kanilang booth dahil sa naipapakita nila na ang mga mag-aaral ng K-12 program ng Cauayan City ay kaya ng tumayo at mabuhay sa kanilang sariling pagsisikap at pamamaraan.
Tags; Luzon, Cauyan City, Isabela, Tuguegarao City, Cagayan, DWKD 98.5, RMN Cauyan, CAVRAA 2018, Ruby Maur, K-12 Village