Nagdesisyon na si US President Donald Trump na isagawa na lamang ang nakatakdang pagpupulong ng G7 leaders sa pamamagitan ng video-conference.
Ito ay dahil pa rin sa patuloy na banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) na una nang idineklarang pandemic ng World Health Organization (WHO).
Ayon kay White House Economic Adviser Larry Kudlow, gagamit na lamang si Trump ng video conference para makausap ang mga pinuno ng ilan sa pinaka-maunlad na bansa.
Ang G7 ay binubuo ng Estados Unidos, Italy, Japan, Canada, France, Germany, at Britain.
Facebook Comments