GABAY DAW SA BOTANTE | Pagpapasya kung dapat isapubliko ang Barangay narcolist, dapat ipaubaya kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Para kay Senate Majority Leader Tito Sotto III, mas makabubuting ipaubaya na lang kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasya kung dapat o hindi na isapubliko ang narcolist o listahan ng mga barangay officials na umano’y sangkot sa iligal na droga.
Pahayag ito ni Sotto kaugnay sa magkasalungat na pananaw nina Department of Interior And Local Government Secretary Eduardo Año at incoming PNP Chief Oscar Albayalde sa panukalang ipalabas ang naturang listahan bago ang barangay elections.

Katwiran ni Secretary Año, makakatulong ang narco list para maging gabay ng mga botante.

Pero giit ni Albayalde, may karapatan pa din para sa due process ang mga nasa listahan kaakibat ang posibilidad na magamit ito para siraan ng mga kandidato ang kanilang mga kalaban.
Kapwa pasado kay Sotto ang argumento nina Año at Albayalde pero mas mainam pa rin aniya na ang Pangulo ang magdesisyon sa usapin.


Facebook Comments