GABAY | Resulta ng survey, dapat ikonsidera sa planong Cha-Cha

Manila, Philippines – Para kay Senator JV Ejercito, bilang kinatawan ng mamamayan ay dapat nilang gamiting gabay sa planong Charter Change o Cha-Cha ang opinyon ng mamamayan.

Pahayag ito ni Ejercito kasunod ng survey ng Pulse Asia na nagsasabing 64-percent ng mga Pilipino ay kontra sa Cha-Cha habang 66-percent naman ay kontra sa pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong Federalism.

Para kay Ejercito, malinaw sa Pulse Asia survey na mababa ang kaalaman at suporta ng taumbayan sa Charter Change at Federalism.


Pero hindi aniya malinaw sa survey kung tutol ba ang mga respondents sa Federalism dahil hindi nila alam ang tungkol dito o talagang ayaw nila na ito ay mangyari.

Ayon kay Ejercito, ito ang dahilan kaya iginigiit niya na hindi dapat madaliin ang proseso ng pag-amyenda sa saligang batas.

Diin ni Ejercito, sa halip na madaliin ay makabubuting pag-aralang mabuti kung paano makakaapekto sa buhay ng bawat Pilipino ang mga amyenda na planong ilapat sa konstitusyon dahil babaguhin nito mismo ang kasaysayan ng ating bansa.

Facebook Comments