GABAY SA LIGTAS AT RESPONSABLENG PAMAMASYAL NGAYONG HOLIDAYS, IBINAHAGI NG DOT REGION 1

Naglabas ng safety guide ang Department of Tourism Region 1 para sa responsableng turismo ngayong maluwag ang iskedyul ng karamihan para magbakasyon kasabay ng holiday season.

Layunin ng gabay na ito na mapangalagaan ang interes o karanasan ng mga dadayo at panatilihing ligtas ang kanilang bakasyon sa pagbibigay-kaalaman sa mga nakagawiang kaganapan sa mga lokalidad.

Ayon sa tanggapan, asahan na umano ang trapiko sa ganitong petsa kaya mahalagang planuhin ang pagbyahe at sumunod sa batas trapiko o maglatag ng alternatibong ruta kung kinakailangan.

Ingatan din umano ang mga kagamitan kapag pupunta sa mga matataong lugar habang sinusuportahan ang mga lokal na establisyimento sa Ilocos Region.

Kaakibat ng pamamasyal ang pagiging responsableng turista mula sa mga basura, pakikitungo sa mga tour guides, at pagrespeto sa kultura o nakagawian nang aktibidad sa mga komunidad.

Paalala ng tanggapan, bukas ang kanilang numero at accounts para sa anumang nais idulog o kinakailangang tulong sa pagtuklas ng mga natatanging pasyalan, pagkain at sining sa rehiyon.

Facebook Comments