Gabbi Garcia, todo tanggi sa balitang lilipat na ng TV network

Manila, Philippines – Todo tanggi ngayon ang actress na si Gabbi Garcia sa lumalabas na balitang lilipat siya ng ibang TV network.
Nabatid kasi na isang netizen ang nag-tweet kung saan ibinuyag nito na plano na raw mag-ober da bakod ng aktres sa hindi naman malamang dahilan.
Ayon pa sa netizen, dapat ay hindi na din daw isinama sa Christmas station ID si Gabbi dahil lilipat din naman daw ito.
Pinabulaanan naman ni Gabbi ang mga alegasyong ng netizen saka siya nag-tweet na hindi ito totoo at wala daw siyang planong lumipat kahit pa katatapos lang ng teleseryeng kanilang pinagbidahan ni Carla Abellana.

Matatandaan na hindi ito ang unang pagkakataon na napaulat na maglilipat bakod ang aktres pero hindi naman ito natuloy.

Facebook Comments