Gabby Concepcion, nakuha ang parangal na Asian Star Prize sa 12th Seoul International Drama Awards

Seoul, South Korea – Nakuha ng actor na si Gabby Concepcion ang Asian Star Prize sa 12th Seoul International Drama Awards na ginanap sa Seoul, South Korea.

Ang naturang pagkilala ay para sa pagganap ni Gabby bilang Rome sa “ika-6 na utos,”.

Noong nakaraang taon, ang kapuso leading man na si Dennis Trillo ang nakakuha ng katulad ng parangal sa kaniyang pagganap naman sa seryeng “My Faithful Husband.”


Unang pagkakataon ito ni Gabby na makatanggap ng parangal mula sa isang award-giving body kaya labis ang kaniyang kasiyahan.

Facebook Comments