Gabby Eigenmann, inaming hindi pa nakikilala ang BF ni Andi

Inamin ni Gabby Eigenmann na hanggang ngayon ay hindi pa niya nakikilala ang boyfriend ng kaniyang kapatid na si Andi na si Philmar Alipayo.

Kaya hindi pa daw niya masabi kung boto siya rito dahil hindi pa niya ito nakakausap at nakikilala.

Pero nandoon pa rin naman daw ang pagnanais niyang makilala ang boyfriend ni Andi.


Sabi ni Gabby, inamin naman sa kanya ni Andi ang pagbubuntis nito bago pa ang kaniyang pag-amin kaya sinusuportahan niya ang kaniyang kapatid.

Facebook Comments