
Kumpyansa si bagong talagang Executive Secretary Ralph Recto na tiwala pa rin ang gabinete kay Pangulong Bongbong Marcos sa kabila ng mga isyung kinakaharap nito at ng First Family.
Ang pahayag ni Recto ay sa gitna na rin ng akusasyon ni Senator Imee Marcos sa kapatid niyang si Pangulong Bongbong Marcos na gumagamit ng iligal na droga, habang may naunang alegasyon naman si dating Cong. Zaldy Co na si Marcos ang nag-utos sa P100 billion budget insertions sa 2025.
Sa panayam sa gitna ng budget deliberations sa Senado, sinabi ni Recto na “political noise” lamang ang mga isyung ibinabato sa Pangulo.
Hindi aniya pinapansin ng gabineteng Marcos ang mga ingay na ito at sa halip ay nakasentro ang mga miyembro sa trabaho nila para mas mapahusay pa ang pamamahala.
Dagdag ni Recto, nananatiling “stable” o matatag ang administrasyon na tutugon sa katiwalian, pagpapabuti ng pamamahala, at pagpapabilis sa takbo ng gobyerno.
Inaasahan namang ngayong araw ay mag-o-oath taking na si Recto bilang Executive Secretary ng Marcos administration.









