Friday, February 13, 2026

Gabriela, nagkasa ng kilos-protesta kaugnay sa panawagang tanggalin ang 12% VAT

Nagkasa ng kilos-protesta ngayong umaga ang grupong Gabriela sa harap ng Commonwealth Market sa Quezon City ngayong umaga.

Nanawagan ang grupo na tuluyan nang ibasura ang 12% na value added tax (VAT).

Ayon kay Gabriela Secretary General Clarice Palce, malaki ang epekto ng 12% VAT sa mga pangunahing bilihin na nakakaapekto sa presyo nito.

Dagdag pa niya na kasabay ng pag-alis ng VAT ay maitaas ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino.

Kaugnay nito, inilunsad din sa kilos-protesta ang programang VAT Tanggalin, Kurakot Panagutin Campaign sa pangunguna ng Gabriela para sa Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan sa Marso 8.

Bukod pa rito, nagsasagawa din ang grupo ng petisyon kung saan nangangalap sila ng 12,000 na pirma para sa pagbabasura ng VAT.

Facebook Comments