Gabriela Party-list, nakiisa sa fishing expedition sa Zambales bilang pagkondena sa fishing ban ng China

Mariing kinondena ng Gabriela Women’s Party ang fishing ban na ipinatupad ng China na sumasaklaw sa ating exclusive economic zone sa West Philippine Sea.

 

Bilang pagpapakita ng matinding pagtutol dito ay nakiisa ang Gabriela Party-list sa fishing expedition na inorganisa ng grupong PAMALAKAYA sa karagatan ng Zambales.

 

Nasa 20 maliliit na bangkang pangisda ang nagsagawa ng mapayapang pangingisda sa 20-30 nautical miles mula sa pampang ng bayan ng Masinloc na naaayon sa International Law.


 

Diin ni Assistant Minority Leader at Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, kailangan tayong manindigan kasama ng ating mga mangingisda para ipaglaban ang ating soberenya at karapatan laban sa pambu-bully at iligal na pag-angkin ng China sa ating teritoryo.

 

Para kay Brosas, bigo ang Marcos administration na protektahan ang ating mga mangingisda laban sa walang humpay na panggigipit ng Chinese maritime forces at lalo pa aniyang nakapagpalala ng tensyon sa West Philippine Sea ang pagdikit ng ating gobyerno sa Amerika.

Facebook Comments