Showcase of sugarcoated anti-poor policies at huwag na pagiging makabayan na nagsusulong sa interes ng mga dayuhan kahit malagay sa alanganin ang soberenya ng Pilipinas at kapakanan ng Pilipino.
Ganito inilarawan ni House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Arlene Brosas ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Para kay Brosas, ang katatapos na SONA ay sumasalamin ng pagiging bingi umano ni Pangulong Marcos sa pagdurusa ng pangkaraniwang mamamayan dahil kasama rito ang nararapat na umento sa sahod ng mga manggagawa lalo na sa pribadong sektor.
Pinuna rin ni Brosas pahayag ni Pangulong Marcos na ating ang West Philippine Sea pero pinayagan naman nitong ang pinag-ibayong presensya ng mga sundalong amerikano sa buong bansa sa pamamagitan ng Balikatan exercises, pagpasok sa Japan-Philippines Reciprocal Access Agreement at sa kasunduan ukol sa paggamit ng nuclear energy.
Binanggit din ni Brosas ang pagpapa-igting ng administrasyon sa pagmamay-ari ng mga dayuhan ng mga lupain sa bansa sa pamamagitan ng pag-amyenda sa Foreign Investment Lease Act.
Ayon kay Brosas, ang tama lang na sinabi ni President Marcos sa kanyang speech ay ang katotohanang walang kwenta ang mga datos lalo na sa kumakalam na sikmura ng milyon-milyong Pilipino.