Gabriela solons, tinawag na pangungutya sa bansa ang pagpayag na tumulong ang US sa Marawi

Manila, Philippine – Tinawag na pangungutya sa kalayaan at sa bansa ang pagtulong na ng mga Amerikanong sundalo sa gulo sa Marawi City.

Ayon kina Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas, ang isang bansa tulad ng US na dahilan ng pagdami ng mga terorista at nagiging dahilan sa mga kaguluhan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay walang karapatan para tumulong na tapusin ang terorismo sa Marawi.

Dahil dito, iginiit ng dalawang mambabatas na mapalayas na ang mga Amerikano sa bansa.


Ang aktibong pakikibahagi ng US forces sa operasyon ng gobyerno sa Marawi ay maglalagay lamang sa soberenya ng bansa sa alanganing sitwasyon at magkaroon lamang ng mga pangaabuso sa mga kababaihan at kabataan.

Nababahala ang mga mambabatas na ang martial law ay magagamit pa para pagtakpan ang US military intervention sa Mindanao.

DZXL558, Conde Batac

Facebook Comments