Muling iginiit ng Department of Education (DepEd) na hindi kailangan ng gadgets at internet connection sa ilalim ng distance learning set-up.
Ito ang pahayag ng kagawaran kasunod ng mga ulat na may ilang estudyante ang nagsasagawa ng “Christmas sale” ng mga malalaswang larawan o video para makalikom ng perang pampa-aral.
Ayon sa DepEd, palagi nilang paalala na hindi requirement na magkaroon ng gadgets at internet sa distance learning.
Mayroong alternative distance learning modalities tulad ng modular, radio at TV-based instruction.
Nagpapatupad ang DepEd ng flexible distance learning at academic ease measures para matiyak na hindi ito magastos sa mga magulang at estudyante.
Samantala, suportado rin ng ahensya ang proteksyon ng mga bata mula sa lahat ng uri ng physical o mental violence, negligent treatment, maltreatment at exploitation – lalo na ang sexual abuse.