Gadon, dinepensahan si FL Liza sa cocaine overdose ni Tantoco

Tinawag ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation na si Larry Gadon na walang basehan at di-makatwirang akusasyon ang kumakalat online na pilit isinasangkot si First Lady Liza Araneta-Marcos sa naiulat na paggamit ng droga sa Los Angeles, California na humantong sa pagkamatay ng negosyanteng si Juan Paolo Tantoco

Sa isang statement, sinabi ni Gadon na hindi security guard o yaya ang first lady upang bantayan o subaybayan lagi ang mga tao na nasa paligid niya.

Ang 44-anyos na si Tantoco, na isang miyembro ng kilalang angkan ng mga Tantoco ay natagpuang wala nang buhay sa isang hotel noong Marso 8, 2025 habang nasa US.

Ang dahilan ng kanyang kamatayan ay resulta umano ng aksidente dulot ng epekto ng cocaine.

Nasa Amerika si Tantoco noon bilang bahagi ng entourage ng first lady na nag-promote ng Manila International Film Festival sa Hollywood, California noong panahong iyon.

Ang kaso ay patuloy na isinisiyasat ng mga awtoridad ng Estados Unidos.

Binigyang diin ni Gadon na walang dahilan upang mag isyu ng report ang gobyerno ng Pilipinas dahil wala itong hurisdiksyon sa kaso.

Facebook Comments