Gag order kina Parlade at Badoy, suportado ng Malacañang

Suportado ng Malacañang ang paglalabas ni National Security Adviser Hermogenes Esperon ng gag order para kina National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) Spokesperson Lieutenant General Antonio Parlade at Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy.

Nabatid na inuulan ng batikos ang dalawang opisyal dahil sa mga komento ukol sa red-tagging ng mga community pantry organizers.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, dapat mag-ingat ang mga opisyal sa kanilang mga binibitawang pahayag at kailangan nilang palawakin ang kanilang perspektibo.


Naniniwala si Roque na alam ng mga senador kung para saan ang programa.

Ang NTF-ELCAC ay binuo para mahinto ang insurgency activities sa bansa.

Facebook Comments