Dalawang punto ang inilahad ng ABS-CBN Corporation at ABS-CBN Convergence sa kanilang sagot kaugnay ng hirit na gag order ng Office of the Solicitor General o OSG hinggil sa quo warranto laban sa TV network.
Sa kanilang komento, iginiit ng ABS-CBN na malalabag ang freedom of the press at freedom of speech ng gag order.
Hindi anila dapat gamitin ang sub judice rule para ihinto ang mga talakayan sa mga isyu o kaso na nakabinbin sa mga korte dahil hindi ito ang layon ng nasabing patakaran.
Itinanggi pa ng media company na ang kanilang mga ipinapalabas na analysis at commentaries ukol sa quo warranto ay propaganda.
Ikinatwiran pa ng ABS-CBN na karapatan ng publiko na malaman ang tungkol sa usapin ng quo warranto.
Maituturing din anilang disservice sa publiko kung aalisan sila ng ‘vital source’ ng impormasyon sa isyu na mayroong transcendental importance.