Nilinaw ng Department of Health (DOH) na hindi pipilitin ang mga benepisyaryo ng libreng immunization program na tumanggap ng iisang brand ng COVID-19 vaccine.
Ang pahayag ng DOH ay kasunod ng pahayag ng Malacañang na hindi maaaring pumili ang mga tao ng brand ng bakunang gustong iturok sa kanila.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, may ilang bakunang gagamitin na nakadepende sa populasyong makatatanggap nito.
Aniya, hindi sila basta-basta ang pagbibigay nila ng bakuna dahil ang bawat brand nito ay may kanya-kanyang indications.
Tiniyak ni Duque na nagte-take note ang pamahalaan sa ‘diverse portfolio’ ng bakuna na maaaring magamit sa immunization program.
Facebook Comments