Gaganap muli bilang “Fantine” ang filipina singer na si Rachel Ann Go sa broadway musical na Les Miserables.

Ito ang ibinahagi ni Rachel sa kaniyang instagram account kung saan makikitang suot niyang muli ang damit ni Fantine.

Say ni Rachel, masayang-masaya siya dahil ilang taon na rin ang nakakalipas nang huli niyang nasuot ang costume.

Matatandaang unang gumanap na Fantine si Rachel noong 2015 kung saan lumabas din siya sa stage musical na Miss Saigon at Hamilton.


 

Facebook Comments