Gaganap na ‘Darna’ – napili na!

203

We have found a new Darna!

Ito ang pahayag ni Direk Olivia Lamasan nang tanungin kung meron na bang update sa gaganap bilang bagong Darna.


Aniya, ang napili nila ay walang iba kundi si Jane De Leon.

Tuwang-tuwa naman si De Leon nang malaman ang balita at nangakong gagampanan niya ng maayos ang ibinigay sa kaniyang role.

Nabatid na si De Leon ang nanaig sa 300 na kababaihang nag-audition para maging bagong Darna kung saan karamihan ay galing pa sa Star Magic at Star Hunt.

Unang lumabas si De Leon sa mga teleseryeng “Halik”. “La Luna Sanggre” at kasalukuyan ding miyembro ng girl group na “Girltrends.”

Nagpaabot naman ng pagbati sa dalaga si Angel Locsin na unang gumanap sa role.




Facebook Comments