Gaganap na lead voice sa Philippine adaptation ng anime series na ‘Trese’, kilalanin

Inilabas na ng Netflix ang magiging lead voice sa anime series na ‘Trese’ na nakabase sa nobelang Pilipino na isinulat nina Budjette Tan at KaJo Baldisimo.

Sa isang pahayag, si Liza Soberano ang gaganap na boses ni Alexandra Trese sa bersyong Pilipino habang si Shay Mitchell naman sa bersyong Ingles.

Labis naman ang pasasalamat ni Liza sa natamong proyekto at sinabing matagal na siyang fan ng komiks nina Budjette and KaJo.


Ang anime series na Trese ay tungkol kay Alexandra Trese na prinoprotektahan ang Maynila laban sa pwersang supernatural.

Sa ngayon, wala pang petsa kung kailan ilalabas ang nasabing adaptation.

Facebook Comments