Gaganapin international motocross sa Puerto Princesa City ngayong Linggo, kasado na

Puerto Princesa City, Philippines – Inihahanda na ngayon ng lokal na pamahalaang panglungsod ang race track sa may Barangay Sta. Monica sa siyudad ng Puerto Princesa.

Bahagi ng preparasyon para sa gaganaping international motocross na mangyayari na ngayong linggo.

Sa naging panayam ng RMN Palawan kay City Information Officer Elmer Zita, sinabi nito sa ngayon ay puspusan na ang paglilinis at pagsasaayos ng race track.


Asahan na sa araw ng linggo ay may mga darating na riders mula sa iba’t ibang bansa at lugar sa Pilipinas maging dito sa lungsod at lalawigan.

Iniimbitahan naman ang publiko na makiisa at manood sa nasabing malaking events ng buwan.

Malaki naman umano ang maitutulong na event na ito para mas lalong makilala ang lungsod ng Puerto Princesa sa boung mundo lalo na para na rin sa promosyon ng tourism sa lugar.
DZXL558

Facebook Comments