Hanggang sa ngayon walang namo-monitor na banta ang Philippine National Police (PNP) para sa gaganaping midterm election sa susunod na Linggo o May 13, 2019.
Ito ang inihayag ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde.
Pero nagsimula na aniya sila ng pag-deploy ng mga pulis sa mga election hub dahil may mga election paraphernalias ng idiniliver sa mga election hub simula nitong weekend.
Sinabi ni Albayalde, kabuaang 150,000 mga pulis ang itinalaga para sa eleksyon, 55 percent rito ay ide-deploy sa mga voting centers, ang iba aniya ay magsisilbing quick reaction forces at stay behind forces.
Tinututukan rin ng PNP ang mga nangyayaring election related violent incidents lalo at mas palapit ang araw ng eleksyon mas nagiging mainit ang magkakatunggali lalo na sa mga lalawigan.
Batay sa kanilang monitoring 27 election related violent incidents ang kanilang naitatala simula noong January 13, 2019.
Maikokonsidera aniya itong mababa kung pagbabasehan ang 2013 election may 94 violent incidents at 2016 election na may 106 violent incidents.