Syria – Pinangangambahang magkaroon ng direktang komprontasyon sa pagitan ng Russia at Estados Unidos sa Syria.
Posible kasi umanong gumanti ang Russia para sa mga miyembro ng isang private military company na napatay ng US forces sa Syria noong mga nakaraang linggo.
Ayon sa isang Ukrainian Defense Consulting Company, hindi matatanggap ni Russian President Vladimir Putin ang pagkamatay at pagkasugat ng higit 300 Russian at Syrian mercenaries na itinuturing na sampal sa kanyang mukha.
Ang nasabing casualties ay ang pinakamataas na bilang ng nalagas sa hanay ng Russia simula nang sumiklab ang giyera sa Ukraine noong 2014.
Dahil dito, hindi umano malayong maglunsad ng panibagong pag-atake ang Russian forces sa mga Syrian Kurdish rebel na kaalyado ng US.
<#m_-9116079605826368332_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>