Gagawing hakbang ng Pangulo kontra jueteng, inaantay ng isang opisyal ng simbahan

Manila, Philippines – Nananatiling nakabantay ang Krusadang Bayan Laban sa jueteng kaugnay sa mga gagawing hakbang ng Pangulo kontra jueteng.

Ayon kay Archbishop Oscar Cruz, isang Anti – gambling crusader, at founder ng naturang organisasyon, nananatili silang nakaantabay sa katuparan ng una nang ipinangako ng Pangulo na wakasan ang iligal na pagsusugal sa bansa.

Kaugnay nito ayon sa Arsobispo, legal man o iligal, hindi pa rin dapat tangkiling ang ano mang porma ng sugal dahil bisyo pa rin itong maituturing. At wala namang mabuting maidudulot ito lalo na sa mga mahihirap.


Bukod dito, maaari rin aniyang maging ugat ito ng krimen.

Binatikos rin ng Arsobispo ang mga awtoridad at politiko na di umano’y pumo-protekta sa mga iligal na pagsusugal sa bansa. Aniya, hindi naman yayabong ang industriya ng mga pasugalan kung walang malalaking tao ang nasa likod ng mga ito.

Facebook Comments