GAGAWING LIBRE | Panukalang gawing libre ang pagkuha ng iba’t-ibang dokumentong kailangan para sa paghahanap ng trabaho, isinusulong sa senado

Manila, Philippines – Isinulong sa Senado na gawin nang libre ang pagkuha ng iba’t-ibang kakailanganing dokumento sa paghahanap ng trabaho ng mga nagtapos sa tertiary education.

Layunin ng senate bill 1629 ni Senador Sonny Angara na alisin na ang mga bayarin sa pagkuha ng mga papeles ng isang bagong college graduate.

Sakaling maging batas, magiging libre na ang pagkuha ng police clearance certificate, NBI clearance, barangay clearance, medical certificate mula public hospitals, birth at marriage certificate, Tax Identification Number (TIN), Unified Multi-Purpose ID Card (UMID), at iba pang documentary requirements na hinahanap ng mga employer sa mga aplikante.


Nasasaad rin sa naturang panukala na ang sakop nito ay ang mga bagong graduate na nakapagtapos ng K-12 program, nakapagtapos ng kurso sa kolehiyo o maging ng isang technical-vocational course mula sa alinmang kolehiyo, unibersidad o TECH-VOC institutions sa bansa.

Maging ang mga mag-aaral na naka-leave of absence at mga estudyanteng may part-time job habang nag-aaral ay sakop din ng panukalang ito.

Facebook Comments