Naghahanap na ng mga volunteer ang gobyerno para sa gagawing local clinical trial sa posibleng gamot sa COVID-19.
Ito ay ang anti-COVID-19 drug na molnupiravir na ginawa ng Merck & Co., isang American multinational pharmaceutical company na nakabase sa New Jersey.
Ayon kay Dr. Joel Santiaguel, clinical investigator mula sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC), sinisikap na nilang makapag-enroll ng 20 pasyente na mayroong mild hanggang moderate cases na nagmumula sa QMMC o sa Lung Center of the Philippines.
Kasama ang Pilipinas sa nagpapatuloy na phase 3 clinical trials para sa molnupiravir.
Sa Pilipinas, tanging ang QMMC at LCP lamang ang miyembro ng trial.
Sa ngayon, dagdag ni Santiaguel na nasa 15 tao na ang lumahok sa trial kung saan lahat ng mga ito ay hindi pa nababakunahan, mayroong comorbidities at nananatili sa loob ng tahanan.