GAGAWING MANDATORY | Sim card registration, hiniling na bilisan ang pagsasabatas

Manila, Philippines – Nakatakdang aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na umoobliga sa publiko na i-parehistro ang kanilang mga subscriber identity module o SIM cards.

Layunin ng House Bill 7233 na tulungan ang mga otoridad na matukoy ang mga suspek na nasa likod ng paggamit ng mga post-paid at pre-paid SIM cards para sa paggawa ng krimen.

Oobligahin ang mga sellers at telcos na i-register muna ang impormasyon ng postpaid at prepaid user na siyang magsisilbing database naman ng Department of Information and Communication Technology (DICT).


Bukod dito, gagawin ding mandatory ang sim card registration para sa mga dayuhan.

Hindi naman papayagan ang basta-bastang pagbibigay ng personal na impormasyon ng isang user maliban na lamang kung ito ay ipina-subpoena o order mula sa korte o ng law enforcement agency.

Sa oras na maging ganap na batas, magbabayad ng multang P300,000 sa unang paglabag, P500,000 sa ikalawang paglabag at P1 Million na multa sa ikatlo at mga susunod pang paglabag ang isang public telco entity.

Kung direct seller ng sim card naman ang lumabag, multang P5,000 hanggang P50,000 at suspensyon ng operasyon ang magiging kaparusahan.

Facebook Comments