GAGAWING PATAS | COMELEC – gagawa ng reporma para gawing patas ang halalan sa lahat ng kandidato

Manila, Philippines – Susubukan umano ng Commission on Elections (COMELEC) na gumawa ng reporma para gawing patas ang halalan sa lahat ng mga kandidato.

Sa press conference kanina, sinabi ni COMELEC Commissioner Ma. Rowena Guanzon na napakagastos kasi ng eleksyon kaya marami ang hindi makalaban ng patas.

Naniniwala aniya siya na may mga taong magagaling talaga pero nagiging pangunahing problema ang usaping pinansyal.


Giit pa ni Guanzon – hindi dapat maging batayan ang pera para tawaging panggulo o “nuisance” ang isang kandidato.

Si COMELEC Commissioner Ma. Rowena Guanzon.

Facebook Comments